GMA Logo Kim delos Santos
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Kim delos Santos, miss na ang pag-arte, willing gumawa ng project

By Kristian Eric Javier
Published August 12, 2025 3:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up in Catanduanes, Camarines Sur as Ada slightly weakens
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Kim delos Santos


Ngayong nasa bansa na si Kim delos Santos, mananatili na kaya siya rito para ipagpatuloy ang kaniyang acting career?

Matapos ang mahigit 20 taon, handa na muling humarap sa camera at gumawa ng serye o pelikula ang '90 actress na si Kim delos Santos. Pagbabahagi ng aktres, nami-miss na niya ang pag-arte at gusto niya muling subukan ito.

Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 11, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda si Kim at tinanong kung bakit nito naisipan bumalik ng Pilipinas, 21 taon pagkatapos nitong umalis.

Ayon kay Kim, ngayong stable na siya sa Amerika at may maganda nang trabaho bilang isang nurse, gusto niyang muling subukan ang pag-arte.

“I'm at a point where I miss acting. I'll be honest po, I miss it and sabi ko, at this point, I just wanna give it one last try and see if things work out, and if it doesn't, I have a stable job in the US po, I can always go back po,” sabi ni Kim.

Pagpapatuloy pa ng dating aktres, ayaw niyang magkaroon ng what if at magkaroon ng regrets na hindi niya sinubukan muli.

“I believe in that, so I said, 'Let me give myself one last try and if things work out, thank you po, Lord. And if not, thank you pa rin kasi at least I tried,'” sabi ng dating aktres.

BALIKAN ANG NAGING MINI REUNION NG ILANG CAST MEMBERS NG T.G.I.S. SA KANILANG 29TH ANNIVERSARY NOONG NAKARAANG TAON SA GALLERY NA ITO:

Samanatala, ibinahagi rin ni Kim na nakausap niya ang dating mga T.G.I.S. co-stars na sina Dingdong Dantes at Polo Ravales kamakailan at ayon pa sa huli ay may bagong proyekto ang nauna.

“Sabi ni Polo, 'Dingdong has a new show.'Sabi ko, 'Really?' sabi niya, 'Sabihin mo, sali ka.' And then Dingdong was asking me if it's okay for me to come here and stuff like that, and I said, 'Yeah, I can always ask for changing my work to PRN as needed.' So it's one of the options that I've been thinking about. And Dingdong was like, 'Sigurado ka ba?'” pag-alala ni Kim.

Nang tanungin naman siya ng batikang host kung for good na siya sa Pilipinas, sinabi ng dating aktres, “Only if I have work.”

“Kasi Tito Boy, it's hard to you know, just jump in and wait tapos nakatengga ka lang. If I do have work, then, why not?” sabi ni Kim.

Panoorin ang panayam kay Kim dito: