GMA Logo kim domingo and faye lorenzo on youlol chat
What's Hot

Kim Domingo at Faye Lorenzo, may pagkakapareho sa katangiang hinahanap sa lalaki

By Aedrianne Acar
Published May 13, 2020 4:07 PM PHT
Updated May 13, 2020 4:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

kim domingo and faye lorenzo on youlol chat


"Plus point siya sa akin..." Ano kaya itong katangian ng isang lalaki na aprub pareho kina Kim Domingo at Faye Lorenzo?

Mas nakilala ng fans ang Bubble Gang comediennes na sina Kim Domingo at Faye Lorenzo sa naughty at tell-all live chat ng YouLol na "Ladies Room" noong Lunes, May 11.

Team FayeChie, hawak na ang record ng most viewed 'Bubble Gang' video on YouTube

Isa sa interesting na bahagi ng live chat nang sagutin ng Kapuso hotties na sina Kim at Faye kung attracted ba sila sa mga lalaking magaling magpatawa.

Sinagot ito ni Kim sa pamamagitan ng pagkumpara sa naging relasyon niya sa dating boyfriend na medyo seryoso.

Paliwanag niya, "Plus points siya sa akin ['yung pagiging funny]. Kasi ako, personally, ano ako e, parang babaeng bakla. Kumbaga, makulit, ganyan.

"Feeling ko mas okay 'yung partner mo na ganun din. Mas magkakasundo kayo.

"Kasi, before na-experience ko mayrun ako naging boyfriend 'yung pinakamatagal ko na naging boyfriend. Ano siya, medyo serious siya.

"Parang napag-compare ko nga 'yung seryoso sa alam mo yan kaparehas ko ng ugali talaga, so mas maganda for me."

Sumang-ayon din ang viral queen na si Faye, na na-attract siya sa mga lalaking komikero.

Saad niya, "Sa akin, okay din sa akin 'yung kalog kasi nga makulit din ako. Mas masaya 'yung lagi kayong ja-jive kayo sa kalokohan."

Muling balikan ang kulitan session with Kim Domingo and Faye Lorenzo sa "Ladies Room":


Don't forget to like and subscribe to YouLol channel to get the latest content. Huwag pahuhuli sa nakaka-good vibes na content na handog ng Kapauso comedy channel, na may mahigit sa 24,000 subscribers na! (link: )