What's on TV

Kim Domingo, bawal kumuha ng ibang trabaho tuwing Lunes maliban sa isang show

By Aedrianne Acar
Published November 5, 2019 2:39 PM PHT
Updated November 6, 2019 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPC seeks bigger workforce to roll out 2026 programs
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Domingo in Bubble Gang


Personal raw na hiniling ni Kim Domingo na laging i-block off ang Lunes para sa ibang showbiz commitments dahil sa show na ito. Alamin dito:

Monday is for Bubble Gang.

Kim Domingo
Kim Domingo

Ito ang pakiusap ng Kapuso drama actress na si Kim Domingo sa kanyang management kapag napag-uusapan ang schedule ng taping niya.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa Kapuso star, lagi daw niyang hinihiling ni Kim huwag mabigyan ng ibang showbiz commitments tuwing Lunes dahil ito ang araw ng niya para sa longest-running gag show.

Wika niya, “Pinaalam ko talaga na kapag mayroon akong serye, 'yung Monday ko huwag kukunin.

“Monday ko kasi is for Bubble Gang.

“Hannga't kaya, ang Monday ko talaga hindi ko binibigay talagang, 'pag Bubble [Gang], Monday talaga.”

Marami rin daw na-realize si Kim Domingo pagdating sa comedy, magmula nang maging part siya ng Bubble Gang.

Binigyan-diin ng sexy actress na hindi birong makuha ang perfect timing sa pagpapatawa.

Paliwanag niya, “Sa akin kasi, 'yung comedy isa siya sa pinakamahirap na gawin.

“Iba kasi 'pag iniisip nila kapag comedy, 'Ah, ano lang naman 'yan, madali, laru-laro lang,'

“Hinde, e! May tamang timing talaga siya. Kasi, 'pag nagkamali ka minsan ng timing, magmu-mukha siyang O.A., waley!”

Dagdag niya, “Once nakapag-Bubble Gang ka na and, siyempre, every taping na ginagawa mo kumbaga, may natutunan ka, 'Ah ganito pala 'dapat yung atake sa ganito.'”

Samahan si Kim Domingo bilang si Black Panty na sasagupa kay Allan Peter Kuya Thanos kasama ang "The ScAvengers" sa 24th anniversary presentation ng Bubble Gang, na mapapanood ngayong November 15 at 22 pagkatapos ng One of the Baes sa GMA Telebabad.

Diego Llorico at Mykha Flores, naging emosyonal nang mapag-usapan ang pagiging bahagi ng 'Bubble Gang'

Michael V. enumerates preferred qualities of aspiring talents of 'Bubble Gang'