
Sariwa pa sa Bubble Gang actress na si Kim Domingo ang malungkot na pangyayari nang mamatay ang best friend niyang si Zacharael Gelzz o Gel noong Agosto.
Matatandaan na isang tribute ang ginawa ni Kim sa Facebook, kung saan inalala niya ang moments nila ng kanyang BFF sa loob ng 10 taon.
Sa Instagram post naman niya kahapon, September 23, ipinasilip ni Kim ang pagbisita niya sa puntod ng kaibigan.
Mababasa sa caption ng post ni Kim ang lyrics ng kanta ng South Border na "Rainbow."
Kim Domingo, number one supporter ni Faye Lorenzo