
Puno ng pasasalamat si Kim Domingo sa kanyang career sa GMA Network.
Si Kim ay isa sa mga artistang pumirma sa Signed For Stardom event ng Sparkle GMA Artist Center. Nitong May 26 ay exclusive na nakausap ng GMANetwork.com si Kim para alamin ang kanyang pakiramdam na isa siya sa mga artistang bahagi ng big contract signing event na ito.
Saad ni Kim sa interview, "Sobrang grateful ako. Naalala ko 2015 pa ako nag-sign. Artist Center pa noon, hindi pa Sparkle. Sobrang thankful ako sa opportunities and sobrang excited na rin ako sa mga plano pa nila para sa akin. Masayang-masaya ako."
Inamin ng magandang Kapuso star na nagdesisyon siyang mag lay low muna nang magsimula ang COVID-19 pandemic. Ngayon ay handa na ulit si Kim na gumawa ng iba't ibang projects sa GMA.
"Dumating ako sa point na medyo naglay-low ako sa showbiz lalo na nung pandemic. Nag-stop talaga ako, hindi kasi ako nagte-taping sa labas. Medyo may takot ako that time. Ngayon, ready na ready na ako.
Dagdag pa niya, "This year sabi ko eager na eager talaga ako mag-work. Very excited ako."
Ngayong 2022 Daw ay ginagawa ni Kim ang Start-Up Ph kasama sina Bea Alonzo at Alden Richards.
Saad ni Kim, isa ito sa mga excited siyang gawin na proyekto. Umaasa rin daw siyang makagawa pa siya ng ibang proyekto na maipapakita niya pa ang talento sa pag-arte.
"Part ako ng Start-Up Ph with Bea and Alden so abangan nila 'yun and sana makagawa din ako ng iba pa na mas serious na characters and roles."