
Abangan si Kim 'Juan Happy Love Story'
Wala raw pag-aatubiling tinanggap ni Kapuso sexy actress Kim Domingo ang role niya sa upcoming GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story.
Gaganap si Kim bilang si Agatha Samaniego sa sexy and naughty romantic comedy series kasama sina Heart Evangelista at Dennis Trillo. Ang kanyang karakter na si Agatha ang sisira sa relasyon ng mag-asawang sina Juan at Happy.
READ: Kim Domingo lands another big break in 'Juan Happy Love Story'
Ito ang unang labas ni Kim sa isang drama at wala naman daw kaso sa kanya na kontrabida siya rito.
"Hindi [ako nag-hesitate] kasi trabaho 'yun eh. 'Di ba ganun naman ang artista? Pwede ka maging kontrabida. Pwede kang mag-drama or comedy. Dapat lahat kaya mong gawin. Ito kasi, gusto ko talagang gawin. Gusto ko talaga 'yung pag-aartista," paliwanag ni Kim sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Ayon sa kanya, akma rin naman ang role sa kanyang image.
"Noong nag-start naman ako, 'yung image ko naman is medyo mature na talaga dahil pa-sexy 'yung image. Medyo hindi naman ako nahirapan doon," kuwento niya.
READ: Kim Domingo masaya sa pagbuhos ng offers
Suwerte naman siyang sa audition pa lang niya ay nakilala na niya ang kanyang co-star na si Dennis.
"Sobrang tahimik niya eh! Nasa isang [sulok] lang. Mahinhin," bahagi ni Kim.
Huwag palampasin si Kim sa Juan Happy Love Story, malapit na sa GMA Telebabad!
MORE ON KIM DOMINGO:
Kim Domingo gustong ikuwento ang buhay sa 'Magpakailanman'