
Congrats, Kim!
Binansagang “Kagat Labi Queen” ang bagong Kapuso actress na si Kim Domingo dahil sa kanyang trending “Twerk It Like Miley” video sa social media.
Dahil puring-puri ang netizens sa kanyang ganda at charisma, nasundan pa ito ng ilang videos na humatak sa kanyang following online.
Sa kasalukuyan, may mahigit isang milyong Facebook followers na siya. Nakakatunaw umano ang kindat, kagat labi at flying kiss combination ng French-Filipina beauty.
Ilang beses na rin si Kim nag-guest sa longest-running comedy gag show na Bubble Gang kung saan nagdiwang siya ng kanyang kaarawan sa set. Mapapanood na rin ang model-turned-actress sa GMA Telebabad soap na Juan Happy Love Story kasama sina Dennis Trillo at Heart Evangelista.
MORE ON KIM DOMINGO:
Face-off: Valeen Montenegro vs. Kim Domingo