
May bago na naman tayong aabangan, mga Kapuso!
Bawat Biyernes ay naghahatid ng katatawanan si Kim Domingo kasama ang makulit na barkada ng Bubble Gang.
Isang malaking break ito para sa French-Filipina beauty na sumikat nang maging viral ang kanyang Dubsmash video ng kantang 'Twerk It Like Miley.'
Isa na namang big break ang nakuha ni Kim dahil kasama siya sa bagong primetime romantic comedy series na Juan Happy Love Story. Makakasama niya dito sina Heart Evangelista at Dennis Trillo.
Gaganap si Kim bilang si Agatha, ang business partner ni Juan (Dennis Trillo) na isa sa mga dahilan ng pagkasira ng relasyon nito sa asawang si Happy (Heart Evangelista).
Abangan si Kim sa nalalapit na sexy at naughty romantic comedy na Juan Happy Love Story, coming soon on GMA Telebabad!
MORE ON KIM DOMINGO:
Hot Babe Face-off: Valeen Montenegro vs. Kim Domingo
Bubble Gang: Mga taktika ni Kim Domingo