GMA Logo Kim Domingo
What's Hot

Kim Domingo, maaksyon ang role na pagbibidahan sa Christmas specials ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published December 9, 2021 1:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Domingo


Abangan si Kim Domingo bilang si Ashley sa "Lihim ng Punerarya" episode ngayong Sabado sa 'Wish Ko Lang.'

Kaabang-abang ang maaksyon na role ni Kim Domingo ngayong Sabado, December 11 para sa "Pasko ng Pag-asa: The Wish Ko Lang Christmas Specials."

Ayon kay Kim, pinag-aralan niyang mabuti ang mapagmahal na karakter ni Ashley sa "Lihim ng Punerarya," na gagawin ang lahat para makatulong sa inang si Rose (Lotlot de Leon).

"Kahit malayo pa 'yung taping binabasa ko na 'yung character. Kasi siyempre ang makakaeksena ko rito mga veteran actors, sina Ms. Lotlot de Leon at Mr. Adrian Alandy, so medyo na-pressure talaga ako. Lalo na sa iyakan scene namin, sa heart to heart na mother and daughter na pag-uusap," pagbabahagi ni Kim.

Dahil sa hirap ng buhay, napilitan si Kim na maging isang scammer para matustusan ang pangangailangan ng pamilya simula nang pumanaw ang ama. Pero hindi nagtagal ang panloloko ni Kim dahil nahuli at nakulong siya sa masamang gawain.

Makalipas ang dalawang taon, nang makalaya sa kulungan ay agad na hinanap ni Kim ang ina para humingi ng tawad at magbagong buhay. Hindi inaasahan ni Kim ang matutuklasan dahil may iba nang kinakasama ang ina, si Gary (Adrian Alandy), at nakatira ito sa isang punerarya. Mapipilit pa kaya ni Kim na sumama sa kanya ang ina? Anong lihim kaya ang matutuklasan niya sa punerarya?

Sa press interview noong Miyerkules, ibinahagi ni Kim ang pasasalamat sa bagong Wish Ko Lang na isa siya sa mga napiling bumida para sa Christmas special episodes nito.

"Sobrang thankful ako na nakapag-Wish Ko Lang ako ulit. Itong December 'yung episode kasi na ibinigay ng Wish Ko Lang puro kami babae, women empowerment 'to. Nariyan si Miss Jean Garcia, ako, Barbie Forteza at Max Collins so dapat abangan nila 'yan ngayong December," sabi ng aktres.

Ibinahagi rin ni Kim ang mga dapat na abangan sa "Lihim ng Punerarya."

"Dapat nilang abangan, 'Ano nga ba 'yung lihim ng punerarya?' May mga intense talaga rito kaming eksena lalo na roon sa part na matutuklasan na namin kung ano ba talaga 'yung nangyayari sa loob ng punerarya, na hindi rin alam ng ibang tao na pwedeng mangyari," dagdag niya.

Huwag palampasin ang nakapapangilabot na kwento sa "Lihim ng Punerarya" episode ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso actress Kim Domingo sa gallery na ito: