GMA Logo Kim Domingo
PHOTO COURTESY: kimdomingo_ (IG)
What's on TV

Kim Domingo, may bagong pag-ibig na nga ba?

By Dianne Mariano
Published November 11, 2021 11:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

K to 12 grads get direct pathway to gov't jobs via civil service exam — DepEd
Bangsamoro Darul-Ifta' sets Eid'l-Adha 2026 on May 27
Anne Curtis explores New York with this designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Domingo


Isang eksklusibo at uncensored na panayam kasama si Kapuso star Kim Domingo ang handog ng 'TBATS' ngayong Linggo!

Isang eksklusibong panayam kasama ang isa sa pinakamagandang Kapuso actresses na si Kim Domingo ang handog ng inyong favorite late night habit, The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (November 14).

A post shared by Kim Domingo (@kimdomingo_)

Sa unang pagkakataon simula nang magkapandemya, pumayag ang COVID-19 survivor na magpunta at makisaya sa studio.

Bukod sa kanyang COVID-19 scare, ibabahagi ng Bubble Gang babe ang kanyang mga plano sa showbiz matapos talikuran ang sexy at naughty image nito.

Hindi naman makakaligtas si Kim sa mga maiinit at nakakaintrigang mga tanong sa segments na “Sasagutin o Kakainin” at “Guilty or Not Guilty.”

Mayroon na nga bang bagong manliligaw ang aktres matapos ang hiwalayan nila ng ex-boyfriend niyang si Michael Acuna? Sino naman kaya sa Bubble Gang actors ang napabalitang nagtangka na makuha ang kanyang puso?

Ilan lamang 'yan sa dapat n'yong abangan ngayong darating na Linggo!

At syempre, iba't ibang sorpesa ang masusubaybayan ng mga manonood dahil ipagdiriwang rin sa studio ang ika-35 na kaarawan ni TBATS host Boobay kasama sina Tekla, Kim, at Mema Squad na binubuo nina Pepita Curtis, Ian Red, Kitkat, at Buboy Villar.

Kaabang-abang 'di ba? Kaya huwag palampasin ang bagong episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong November 14, 10:30 p.m. pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, muling tingang ang sexiest photos ni Kim Domingo sa gallery na ito: