GMA Logo kim domingo ideal guy
Celebrity Life

Kim Domingo, may hugot sa pagiging "consistent" ng ideal guy niya

By Aedrianne Acar
Published July 22, 2020 5:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Is Chavit Singson considering to buy Miss Universe Organization? 
27 couples wed in Jaen civil wedding
BTS's pop-up store is coming back to Manila this December

Article Inside Page


Showbiz News

kim domingo ideal guy


Anu-ano kaya ang qualities na hanap ni Kim Domingo sa kanyang future boyfriend? Alamin dito:

Kung isa kayo sa mga lalaking pinapantasya si Kim Domingo, alamin kung pasok ang inyong mga katangian sa nais niya para sa kanyang future boyfriend.

Mukbang with Kim Domingo Screenshot taken from Kim Domingo s YouTube

Mukbang with Kim Domingo/ Screenshot taken from Kim Domingo's YouTube

Ibinahagi ni Kim Domingo ang ilan sa mga katangiang hanap niya sa latest Mukbang and Q&A vlog niya sa kanyang YouTube channel.

Ayon sa Bubble Gang babe, importante sa kanya ang maturity sa isang partner.

Paliwanag nito, “Number one sa akin 'yung may respeto, 'tapos 'yung responsible importante 'yan.

“Ako naman, hindi ako tumitingin talaga sa kakayanin ng isang lalaki.

"Halimbawa: ito lang 'yung kaya niya ibigay. Pero kung responsable naman siya wala sa akin 'yun.

“Ang importante sa akin 'yun, tsaka 'yung mature na talaga mag-isip 'yun ang gusto ko. Iniisip na kaagad 'yung future ganun.”

Mukhang may hugot naman ang sexy comedienne nang sabihing mahalaga ang pagiging consistent.

“Tsaka consistent 'yun ang gusto ko!” sabi ni Kim.

Diin nito, “I mean, may nagbabago naman talaga. I mean, kasama naman 'yun may mga changes.

"Pero dapat kung ano ka noong una ka, nung nangliligaw ka pa lang dapat hanggang sa tumagal nang tumagal nang tumagal ganun ka pa din.

“So, kung gaano ka-sweet noong una pa lang at gaano kabulaklak ang bunganga mo noong una pa lang dapat ganun pa din 'yon!”

Panghuli, tinitingnan din daw niya kung paano ang pakikitungo ng isang lalaki sa kanyang pamilya.

Saad ni Kim, “At importante pa pala, isa sa mga tinitingnan ko ay kung paano respetuhin ang family ko. So importante yan, diyan mo din makikita kung talagang lalaki siya noh!”

Mas kilalanin pa si Kim Domingo sa kanyang Breakfast Mukbang vlog:

YouLOL: Putaheng tatak Kim Domingo!

EXCLUSIVE: Faye Lorenzo on being compared to Kim Domingo, "Hindi naman ako nakikipagkumpitensya."