GMA Logo kim domingo mensahe sa mapagmataas at inggitera
What's Hot

Kim Domingo, may mensahe sa mga mapagmataas at inggitera

By Aedrianne Acar
Published March 30, 2020 11:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

kim domingo mensahe sa mapagmataas at inggitera


May patama ang 'Bubble Gang' star na si Kim Domingo para sa mga taong mapagmataas at inggitera.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Kapuso sexy actress na si Kim Domingo nang magbigay ito ng saloobin sa mga taong mapagmataas at inggitera.

A post shared by Kim Domingo (@kimdomingo_) on

Sa kanyang Instagram Q&A, ibinahagi ni Kim na 'pet peeve' niya ang mga ganitong klaseng tao.

Saad ni Kim tungkol sa mga masyadong confident, "Masyado mataas tingin sa sarili at inggitera.

"Kaya pag may tao sa paligid ko na ganito ako na mismo umiiwas.

"Naglalagay na ako ng wall. Nawawalan kasi ako ng amor sa mga ganung klaseng tao."

"I mean it's okay kung magkaroon ka ng confidence very good yun. Pero pag ang confidence mo din ay sumobra hindi naman maganda."

Heto naman ang patutsada ng mestiza beauty sa mga inggitera.

"Ang hindi normal eh yung naiinggit ka tapos nagagalit ka. Eto 'yung inggit na hindi marunong mag-antay para sa'yo."

Sinagot din ni Kim ang tungkol sa kanyang malapad na noo.

Aniya, "Proud ako sa noo ko wala akong problema sa kanya. Mabuhay ang mga malalaking noo!!!"

Samantala, nabanggit ni Kim na mayroon siyang bagong project na gagawin. Pero dahil sa COVID-19 crisis, maaaring matagalan ito kaya tutukan siya muna every week sa Bubble Gang.

More on VIRAL VIDEOS FROM BUBBLE GANG:

'Shoplifter' sketch nina Faye Lorenzo at Archie Alemania, may 11 million views na sa YT!

Bagong kasambahay, pinabayaan ang imaginary son ng kanyang amo

Masahe ng mga Kababol, umani na ng 1M views sa YouTube!