
Ibinahagi 'yan ng sexy actress kay Rhea Santos sa Tunay na Buhay.
Nakuha ni Kapuso sexy actress Kim Domingo ang kanyang angking ganda sa kumbinasyon ng kanyang ina na isang Filipina at ama na isa namang Pranses.
Sa kasamaang palad, hindi na nakilala ni Kim ang kanyang French na ama.
"Ang kuwento kasi sa akin ng mom ko, parang hindi rin kasi nagtagal 'yung relationship nila eh. Kailangan bumalik ng dad ko sa ibang bansa kaya kailangan na niyang umalis," bahagi niya kay Tunay na Buhay host Rhea Santos.
"At that time kasi, hindi alam ng mother ko na pregnant siya. Hindi din alam ng dad ko na buntis 'yung mom ko," dagdag pa nito.
Sa Novaliches lumaki si Kim at dahil hiwalay ang kanyang magulang, ang kanyang lola ang nagpalaki kay Kim.
"Simpleng bata lang ako. Ang kasiyahan ko lang noon 'yung makalabas lang at makapaglaro ako, kasi 'yung lola ko sobrang higpit dati so bihirang bihira akong makapaglaro," pagbabalik tanaw niya.
Narito pa ang ibang bahagi ng interview ni Rhea Santos kay Kim Domingo sa Tunay na Buhay:
MORE ON KIM DOMINGO:
Kim Domingo dating sumali sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga
Kim Domingo may mensahe tungkol sa kanyang funny but naughty skits