What's Hot

Kim Domingo, nagbahagi ng tips para sa summer

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 7, 2020 1:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang sikreto ni Kim at napapanatili niyang maganda ang kanyang figure at ang kinis ng kanyang balat?
 

A photo posted by Kim Domingo (@therealkimdomingo) on

 

Last week natapos ang taping ng summer special ng longest running gag show sa bansa—ang Bubble Gang.

Kaya naman panay ang post ni Kapuso hottie Kim Domingo ng mga sexy bikini photos niya sa kanyang Instagram account.

Dahil sa ganda ng kanyang figure at sa kinis ng kanyang balat, tinanong ng GMANetwork.com sa isang exclusive interview kung may mga maibabahagi bang tips si Kim para sa mga kababaihan ngayon summer.

"Siguro laging magsuot ng bikini?" biro nito, bago magpayo na pumili ng mga preskong damit ngayong tag-init.

"'Yung light [colors and fabrics ang dapat isuot] kasi mainit 'di ba? Kailangan fresh," seryosong sagot naman nito.

Nagpaalala rin siya ng tamang pag-aalaga sa balat, lalo na kung magbababad sa ilalim ng araw.

"'Yung mga gustong mag beach, siyempre dapat huwag kakalimutang maglagay ng sunblock," pahayag ni Kim.

Kahit hindi siya magbi-beach, sadyang maalaga si Kim sa kanyang balat dahil alam niyang isa ito sa puhunan niya sa industriya.

"Before kasi nung nagmo-modeling ako, naka makeup talaga. Pero ngayon, pinag-aralan ko na kapag hindi naman kailangan, hindi na talaga ako nagme-makeup," paliwanag niya.

Bukod dito, mahalaga raw ang kumpletong tulog, pag-inom ng maraming tubig at vitamin C para panatiliing makinis ang kanyang balat.

MORE ON KIM DOMINGO:

Kim Domingo, naikuwento ang mga pinagdaanang hirap sa buhay 

Kim Domingo lands another big break in 'Juan Happy Love Story' 

Hot Babe Face-off: Valeen Montenegro vs. Kim Domingo