What's Hot

Kim Domingo, nakatakdang gumanap sa sariling life story

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 26, 2020 10:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Pokemon Champions' launches in mobile, Nintendo Switch
89 ROTC cadets hospitalized in Iloilo due to suspected food poisoning
Why 'Toy Story 5' may be Pixar's most timely film yet

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang life story ng tinaguriang "Pantasya ng Bayan" sa Magpakailanman.


Isa na namang blessing ang dumating kay Kapuso actress at online sensation Kim Domingo. 

Nakatakda kasing i-adapt ang kuwento ng kanyang buhay sa GMA anthology na Magpakailanman.

 

Magpakailanman " The Kim Domingo Life Story " Soon ?? Excited nako dahil ako mismo ang gaganap ???? Thank you Lord sobrang Blessed ng buhay ko ????????

A photo posted by Kim Domingo (@therealkimdomingo) on


Lalo itong naging espesyal dahil si Kim mismo ang gaganap sa kanyang sarili sa episode. 

Excited na ibinahagi ni Kim ang picture nila ni Magpakailanman host at GMA News anchor Mel Tiangco matapos ang panayam nito sa kanya. 

Nagsimula si Kim sa pagmo-model sa mga car shows, ngunit mas nakilala siya ng marami nang mag-viral ang kanyang pagli-lip sync sa awit na 'Twerk It Like Miley' ni Brandon Beal.

Ngayon, isa nang Kapuso actress si Kim na tinagurian pang "Pantasya ng Bayan." Mapapanood siya gabi-gabi sa Juan Happy Love Story, pati na kada Biyernes sa Bubble Gang

MORE ON KIM DOMINGO:

Kim Domingo sinalubong ng masigabong palakpakan nang umapak sa stage ng 2016 FHM Victory Party

LOOK: Kim Domingo gets inked