What's Hot

Kim Domingo, naloko na raw ng lalaki noon?

By FELIX ILAYA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 19, 2017 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



"...Siyempre maiiyak ka at masasaktan ka talaga pero ang lesson lang doon ay 'wag tayong magpaloko dapat lalo na kung paulit-ulit na." - Kim Domingo
 

Eye to eye ??

A post shared by Kim Domingo (@therealkimdomingo) on


Gaganap bilang isa sa mga main characters ng bagong Kapuso dramedy na D' Originals si Kim Domingo at tungkol ang show na ito sa mga misis na kinaliwa ng kanilang mister. Nagkuwento si Kim sa exclusive interview ng GMANetwork.com tungkol sa kaniyang role.

Aniya, "Isa akong Zumba instructor, very confident tapos gandang-ganda ako sa sarili ko so never kong naisip na mayroong makakahigit sa aking babae."

Kamakailan lang ang nagsimula na silang mag-taping at masaya naman si Kim sa kaniyang cast mates.

"Sobrang fun and nakaka-proud, very happy ako na nakatrabaho ko si Tita Jaclyn," ika ni Kim.

Hindi rin makapaniwala ang sexy actress sa mga samu't-saring blessings na kaniyang natatanggap.

"Actually very happy ako kasi ang bilis ng pacing. Mag-wa-one year pa lang ako nitong March eh so andami na kaagad nangyari. Nakakagulat siya and minsan, 'pag nasa bahay ako at nag-iisa hindi ako makapaniwala, iniisip ko 'Totoo ba 'to?' Nakikita ko na 'yung sarili ko sa TV, gumawa ako ng pelikula, nakasama ko 'yung mga artistang napapanood ko lang so nakaka-proud," saad niya.

Nakaka-relate rin naman si Kim sa kaniyang karakter sa D' Originals dahil naloko na raw siya ng dating nobyo noon.

Pag-amin ni Kim, "Actually nangyari na sa akin 'yan before, siyempre maiiyak ka at masasaktan ka talaga pero ang lesson lang doon ay 'wag tayong magpaloko dapat lalo na kung paulit-ulit na."

May realization din si Kim mula sa karanasan na iyon.

"Kung talagang kaya niyang magtimpi or hindi pansinin 'yung tukso, hindi naman mangyayari 'yun 'eh. Kahit anong landi ng babae kung hindi 'yon gusto ng lalaki, hindi nila gagawin," wika ng aktres.

Ano naman kaya ang mensahe niya sa mga taong mahilig manloko at mangaliwa?

"Diyos na lang siguro bahala sa kanila. Lahat naman ng ginagawa nating masama mayroong balik sa atin, maybe not now pero in time."

MORE ON KIM DOMINGO:

#HotterThanCoffee: Kim Domingo's topless photo stirs social media 

WATCH: How to top a cupcake according to Kim Domingo 

EXCLUSIVE: 'D' Originals' cast, nagsimula nang mag-taping