
Ngayong Pasko, hiling ni Kim Domingo na makalipat na sa kanyang bagong bahay kasama ang pamilya.
Sa press interview noong Miyerkules, ibinahagi ni Kim ang pananabik na matirhan na ang bahay na bunga ng kanyang mahabang taong pagtatrabaho sa showbiz.
"This December po bago mag-Christmas, hopefully makalipat na ako kasi gusto ko roon kami mag-Pasko ng family ko. 'Yon 'yung importante sa 'kin kasi sobrang miss na miss ko na lalo na 'yung lola ko," pagbabahagi ni Kim.
Dagdag niya. "Sobrang excited po. Napakasaya ng magiging Pasko ko and siyempre sa family ko rin kasi 'yon 'yung matagal na rin nilang gusto. Kasi dati nagre-rent lang ako. At least ngayon, mayroon na [akong] sarili."
Ibinahagi rin ng aktres ang hirap na pinagdaanan bago matapos ang ipinapagawang bahay. Ayon kay Kim, mas lalong tumagal ang limang buwang konstruksyon ng kanyang bahay dahil sa panlolokong ginawa ng unang contractor nito.
"Five months na po siya. Humaba po ng humaba kasi nagkaroon ng problema. Up to now mayroon kaming mga inaayos na problema from galing sa unang contractor na gumawa. So inulit, maraming inulit," sabi ni Kim.
"Actually sobrang sakit po sa ulo kasi ngayon ko lang nalaman na sobrang hirap pa ang magpagawa ng bahay. Lalo na ako po, naloko po ako ng contractor so medyo talagang grabe po 'yung pinagdaanan ng bahay na 'to.
"So sabi ko kapag natapos na 'tong bahay na 'to, mas tataas 'yung value ng bahay para sa akin kasi kumbaga grabe 'yung pinagdaanan bago ko siya matirhan."
Samantala, mapapanood si Kim ngayong Sabado, December 11, sa "Lihim ng Punerarya" episode ng bagong Wish Ko Lang kung saan gagampanan niya ang karakter ni Ashley.
Makakasama niya rin sa episode na ito sina Lotlot de Leon, Adrian Alandy, Charlize Ruth, at Limuel Huet.
Mas kilalanin pa si Kim Domingo sa gallery na ito: