
Pinangalanan ni Bubble Gang babe Kim Domingo ang kanyang mga showbiz crush at mga kinaiinisang aktor at aktres sa pinakabago niyang vlog, na ini-release nitong Huwebes, June 25.
“Wala siya rito sa 'Pinas. Nandu'n siya sa Italy. Nandu'n diya sa '365 days'. Si Michele Morrone,” lahad ni Kim.
Si Michele Morrone ay isang Italian actor, model, at singer na lumabas na sa hit film at series na “365 Days," at “The Trial.”
Bukod dito, sinagot din ng aktres ang iba pang mga personal na tanong sa kanya gaya ng mga dati niyang romantic relationships, family-related topics, pati na rin kung sino ang most-hated celebrity niya.
Kim Domingo shows off sexier waistline; other celebrities react
LOOK: Kim Domingo's dreamy 25th birthday shoot
Dagdag pa rito, kung dadating sa puntong papipiliin siya sa love o career, mas pipiliin umano ni Kim ang love kaysa kanyang career.
“Kasi 'yung career, hindi naman talaga siya pang habambuhay.
"Ang kinang ay mawawala rin pero, siyempre, 'yung tunay na pagmamahal, alam mong nandiyan 'yan palagi. For me, it's love,” aniya.
Pagdating sa usaping pamilya, sinabi ni Kim ang kanyang gagawin at mararamdaman kung sakaling makaharap niya ang kanyang ama.
Matatandaang hindi nakilala ni Kim ang kanyang biological father na isang French dahil ipinagbubuntis pa lang siya ng kanyang ina nang iwan sila nito.
“Hindi ako magagalit kasi lahat naman may rason, so… I mean, hindi ako magtatanim ng galit.
"Kung ano man 'yung mga nangyari nu'ng nakaraan. Hindi ako magagalit. Matutuwa ako,” aniya.
Samantala, kamakailan ay muling ipinahayag ni Kim ang pagbitaw niya sa kanyang sexy image.
Aniya, mas gusto na niyang makilala ng publiko dahil sa talento niya sa pag-arte at pagpapatawa kaysa sa kanyang kaseksihan.
Sa kabila nito, nilinaw niya na hindi umano siya tutol sa pagpapa-sexy at gusto niya lamang umano ipahayag ang kanyang saya sa kanyang naging desisyon.
"Hindi ako against sa nagpapa-sexy kasi nanggaling ako diyan e. Sino ako para manghusga.
"Masayang masaya ako. Gusto kong malaman ninyo na masayang masaya ako doon. I'm free!"
Dahil dito, masaya rin niyang ikinuwento na ang award-winning actress na si Jaclyn Jose ang kanyang tinitingalang artista at nais niyang sundan ang yapak nito sa showbiz.
“Kasi, 'di ba, si Ms. Jaclyn nanggaling siya sa pa-sexy? 'Tapos tingnan mo naman ngayon, super daming nakuhang acting awards.
"Isa siya du'n sa mga taong tinitingnan ko na balang-araw maging gano'n ako,” lahad niya.
Kim Domingo, inaming nabawasan ang fans nang itinigil ang kanyang sexy image
Panoorin ang nakaaaliw na vlog ni Kim Domingo rito: