What's Hot

Kim Domingo on bashers: "Di lahat ng tao mapi-please"

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 10, 2020 7:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Two people killed in Brown University shooting —mayor
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News



You go, girl!


Naging matunog ang pangalan ng baguhang aktres na si Kim Domingo sa social media nang maging viral ang kanyang "Twerk It Like Miley" Dubsmash video at sexy photos. Sa kanyang pagpasok sa showbiz, nakahakot na kaagad siya ng supporters at bashers.

READ: Kim Domingo is a certified Facebook millionaire 

Kamakailan ay naghayag ng saloobin ang Kapuso star sa kanyang social account na Facebook patungkol sa kanyang pananamit. "'Pag nakadamit ka ng simple, hindi kita dibdib mo [at] hindi ka [nakasuot] ng maiikling damit, sa paningin ng nakakarami, mabuti at mabait ka [at] wala kang ginagawang masama. Laging mabuti ka sa paningin nila.

"Pero 'pag ang suot mo sexy, sa paningin ng nakararami, pokpok ka, masamang tao, binebenta mo ang sarili mo [at] walang respeto sa sarili."

 

Just keep moving forward and don't give a shit about what anybody thinks. Do what you have to do, For you ???????????? Photo by : Chris Pimentel/ PARADIGM

A photo posted by Kim Domingo (@therealkimdomingo) on


Para sa French-Filipina beauty, hindi madali ang pag-aartista dahil sa mga sinasabi tungkol sa kanya. "Ganon kadali humusga. That's life, but still I know [hindi] lahat ng tao [ay] mapi-please [natin]. Basta focus na lang sa trabaho [pero] ang sarap lang isampal sa mukha nila yung sinasabi nila na puro suso ka lang?"

Sa kabila nito, naging positibo si Kim at nagpasalamat na lamang sa kanyang booming showbiz career.

"Minsan nga naiiyak ako [dahil] sobrang bait ng Panginoon. Ang bilis-bilis, parang [dati] nag-post [pa ako na] one day makakapasok din ako showbiz. Magkakaroon ako [ng] pelikula at teleserye tapos [nangyari ngayon]. Meron [na akong] isang pelikula, meron pang teleserye [tapos] may regular show pa."




Mapapanood na ang newbie artist sa upcoming GMA primetime soap na Juan Happy Love Story kasama sina Kapuso stars Dennis Trillo at Heart Evangelista ngayong Abril. Samantala, ilang beses na rin siyang napanood sa Bubble Gang.

WATCH: 'Ang Bastos' video of Kim Domingo goes viral


MORE ON KIM DOMINGO:

10 Sexiest photos of Kim Domingo

Kim Domingo nagbahagi ng tips para sa summer

LOOK: Kim Domingo nagpapaliit ng bewang