
Maraming nabighani sa nakilala ni Julian (John Lloyd Cruz) na sexy kusinerang si Bebang, na ginampanan ng Sparkle actress na si Kim Domingo nitong Linggo ng gabi sa Happy ToGetHer.
Kahit ang mga manonood, napansin na maganda ang on-screen chemistry nina John Lloyd at Kim sa high-rating Kapuso sitcom.
Post ni nashgrado sa Instagram, “Hoyyyy ito 'yung sabi kong bagay sila mag-tandem sa mga pelikula at sitcom.”
Samantala, taos-puso naman ang pasasalamat ni Kim Domingo na nabigyan siya ng pagkakataon na maka-trabaho ang kanyang “forever best actor.”
Aniya, “Grateful to have had the opportunity to work with the one and only @johnlloydcruz83 My forever best actor.”
Narito ang funny moments sa guest appearance ni Kim Domingo sa Happy ToGetHer noong March 20:
Free supply na tubig ni Bart, saan kaya nanggaling?
Bart, from scammer to mechanic real quick!
Iced tea ba 'yan o tubig?
Walang aabsent sa tawanan hatid ni Julian sa Happy ToGetHer tuwing Linggo ng gabi, bago ang Kapuso Mo Jessica Soho.