
Iba't ibang roles na rin ang nagampanan ni Kim Domingo simula nang maging Kapuso noong 2015 tulad ng drama, comedy, at pagiging isang kontrabida.
Noong Miyerkules, ibinahagi ni Kim sa GMANetwork.com ang isa pa sa pinapangarap niyang karakter bilang artista.
Inihalimbawa ni Kim ang karakter ni Amy Elliott Dunne na ginampanan ni Rosamund Pike mula sa 2014 psychological thriller film na 'Gone Girl.'
"Ang dream role ko talaga parang sa movie ng 'Gone Girl,' 'yung medyo may pagka-psycho, marami siyang characters, split personality. 'Yun ang isa sa gusto kong gawing character, dream role ko 'yun," pagbabahagi ng aktres.
Sa ngayon, patuloy na mapapanood si Kim sa longest-running gag show na Bubble Gang.
Samantala, mapapanood si Kim ngayong Sabado, December 11, sa "Lihim ng Punerarya" episode ng bagong Wish Ko Lang kung saan gagampanan niya ang karakter ni Ashley.
Makakasama niya rin sa episode na ito sina Lotlot de Leon, Adrian Alandy, Charlize Ruth, at Limuel Huet.
Mas kilalanin pa si Kim Domingo sa gallery na ito: