
Pinayuhan ng aktres na si Kim Domingo ang publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon.
Fully vaccinated na si Kim nang tamaan siya ng COVID-19 noong mga huling linggo ng Agosto kaya naman mild symptoms lang ang kanyang naramdaman.
Sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, inamin ni Kim na sa tingin niya ay mas malala pa ang kanyang magiging sakit kung hindi siya nagpabakuna.
Kuwento niya, "Feeling ko kung wala akong bakuna baka naging severe.
"Kung meron kayong pagkakataon na magpabakuna, magpabakuna na kayo."
Bukod sa pagkakaroon ng COVID, ibinahagi rin ni Kim na nagkaroon siya ng anxiety dahil natatakot siyang lumala ang kanyang sakit.
"Totoo nga 'yung sinasabi nung iba na nagka-COVID na marami kang maiisip. Ako, iniisip ko nung time na 'yun, baka lumala," pagpapatuloy ni Kim.
"'Yung alam mo 'yung okey ako tapos biglang baka siya lumala nang lumala."
Bukod kay Kim, kilalanin pa ang ilang celebrities na survivor ng COVID-19.