GMA Logo Kim Domingo
Courtesy: kimdomingo_ (IG)
Celebrity Life

Kim Domingo shares her favorite spot in her new house

By EJ Chua
Published June 7, 2022 6:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

More airport passengers recorded during holidays in 2025 vs. 2024 – MIAA
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Domingo


Saan kaya laging nakatambay si Kim Domingo sa kaniyang bagong bahay? Alamin dito:

Kasunod ng pagkamit ni Kim Domingo sa isa sa kaniyang mga pangarap--ang makapagpatayo ng sariling bahay, ibinahagi ng Kapuso comedienne ang ilang detalye tungkol dito.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Kim sa GMANetwork.com kung ano ang paborito niyang parte ng kaniyang bagong bahay.

Pagbabahagi ni Kim, “Ang favorite ko talaga ay 'yung music room ko, kasi kinumpleto ko 'yung instruments kasi kapag may mga friends ako na nagpupunta minsan nagja-jamming kami, tumutugtog kami minsan. So, iyun 'yung feeling ko na favorite ko na spot dito sa bahay ko. Madalas doon din talaga ako nakatambay sa music room. Siyempre madalas nasa bahay lang ako, 'yan maggigitara ako, gagawa ng kanta, so, iyong ang favorite ko.”

“Sabi ko sa nag-design ng bahay, gusto ko maaliwalas, ayoko nung may mga dark colors, pero sa music room may mga dark colors pero okay lang naman doon. Gusto ko maaliwalas, more on puti. Gusto ko malinis tingnan… maaliwalas,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa Start-Up Ph actress, “American Glam” raw ang napili niyang maging tema ng kaniyang bahay.

Sa kalagitnaan ng interview, nangako ang comedienne-actress na ipapasilip niya ang kaniyang bagong bahay sa mga Kapuso.

Ayon kay Kim, “Pag-ano ipapasilip natin 'yan, magpapa-house tour tayo.”

Abangan ang role ni Kim Domingo sa pinakainaabangang drama series na Start-Up Ph, malapit nang mapanood sa GMA Telebabad.

Samantala, silipin ang behind the scenes ng Start-Up Ph sa gallery na ito: