
Inuulan ng indecent proposals si Kim! Paano niya hina-handle ang mga ito?
Natutuwa si Kim Domingo dahil kinikilala siya ngayon bilang bagong Pantasya ng Bayan, ngunit dahil din sa bansag na ito ay apektado ang kanyang image bilang isang artista. Sa katunayan, inamin ni Kim na nakakatanggap siya ng indecent proposals.
“Nung nag-modelling ako, meron na niyan tapos lalo pa ngayon na nagso-showbiz na. Dedma na lang dahil siyempre hindi rin naman po ako ganung klase. Mas gusto ko pa rin na pinaghihirapan ko ‘yung lahat ng bagay na makukuha ko,” aniya sa panayamg ng 24 Oras.
Ibinahagi rin niya na ngayong tapos na ang Juan Happy Love Story ay magfo-focus muna siya sa acting workshop bago sumalang muli sa panibagong proyekto sa GMA.
“Workshop muna ako Tito (Lhar Santiago) para mas mag-improve ‘yung acting ko. Halimbawa na bigyan ng pagkakataon na mabigyan ng break talaga so at least ready ako,” sambit ni Kim.
MORE ON KIM DOMINGO:
LOOK: Kim Domingo shows off two new tattoos
Behind the scenes: Kim Domingo's 'Know Me' music video
IN PHOTOS: Inside the bedroom of Kim Domingo and other celebrities