
Binisita ng model-turned-actress na si Kim Hye Jin si Andy Ryu sa set ng My Korean Jagiya. Si Andy Ryu ay gumaganap ngayon bilang si Gong Woo, samantalang si Kim Hye Jin ay naging parte rin ng cast ng Dong Yi at Iris na pinalabas sa GMA Heart of Asia.
Sa pagbisita ng aktres ay nalaman nilang marami silang similarities ni Heart Evangelista, tulad ng pareho silang mahilig mag-paint. Niregaluhan pa nga ni Hye Jin si Heart ng isang hand-painted scarf.
Ani Heart, "We have a lot of things in common. I'm so excited so I hope they'll go to my house for dinner. I will prepare dinner."
Inimbita na rin noon ni Heart si Xander na mag-dinner sa kanilang bahay at para i-celebrate rin ang kaniyang kaarawan.
Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel: