
Napasaya ni Kuya ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates sa pagdating ng Sparkle Korean heartthrob na si Kim Ji Soo sa iconic house.
Gulat na gulat ang housemates nang makita nila si Kim Ji Soo at nalaman nilang siya ang pinakabagong bisita sa Bahay ni Kuya.
Related gallery: Celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Sa latest episode ng teleserye ng totoong buhay, natunghayan ang makulit na pakikipagkwentuhan ng aktor sa celebrity housemates.
Isa sa kanilang napag-usapan ay kung sino ang Filipino celebrity crush ni Kim Ji Soo.
Una ay pabirong binanggit ng ilan sa kanila ang pangalan ni Esnyr na kasalukuyang housemate.
Kasunod nito, binanggit ni Kim Ji Soo na may kaugnayan sa salitang love o valentine ang pangalan ng Pinay na kaniyang hinahangaan, “She was called love or valentine.”
Matapos nito ay nahulaan na ng housemates na si Heart Evangelista ang tinutukoy ni Kim Ji Soo.
Paglalarawan ng Sparkle actor kay Heart, “Oh, Heart, she's very beautiful.”
Sino kaya ang susunod na houseguest sa Bahay ni Kuya?
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.