
Ipinasilip ni South Korean actor Kim Ji Soo kung paano siya nag-celebrate ng Valentine's Day ngayong taon.
Sa isang maikling video na ibinahagi niya sa kanyang TikTok account, ipinakita ni Ji Soo ang pagbisita niya sa gym.
Mapapanood dito na nagbubuhat siya ng weights, pagsi-sit ups, at paggamit ng iba pang exercise equipment.
"This is my kind of Valentine. Valentine's date at the gym," sulat niya sa video.
"So sad," biro pa niya.
@actor_kimjisoo Found my Valentine.
♬ This Is Not a Love Song - Nouvelle Vague & Mélanie Pain
Samantala, busy si Ji Soo bilang bahagi ng cast ng bagong GMA Prime action-drama series na Never Say Die.
Kasama niya dito sina Star of the New Gen Jillian Ward at Pambansang Ginoo David Licauco.
Gumaganap siya sa serye bilang Jin Ho Lee, isang Interpol agent na nasa Pilipinas para habulin ang fugitive na may kinalaman sa droga.
Patuloy na panoorin si Kim Ji Soo sa action-drama series Never Say Die, Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime.
May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.