
Lubos na kinagiliwan ang bagong video ni South Korean actor Kim Ji Soo na ibinahagi niya sa kanyang TikTok account.
Pabiro niya kasing ipinasilip ang kanyang daily morning routine.
Mapapanood sa maikling video na gigising siya ng maaga. Aalisin ang tape sa kanyang bibig at ilong at sisinghot ng popular na herbal inhaler.
Magpa-practice siya ng pagbati at ilulubog sa mangkok na may tubig at yelo ang kanyang mukha. Pagkatapos nito, kakain na siya ng saging for breakfast.
Magbabasa din si Ji Soo ng libro at magre-research tungkol sa kanyang sarili online.
Magwo-workout siya sa gym at ife-flex ang pinaghirapang biceps pagkatapos.
"Morning," simpleng caption niya sa kanyang post.
@actor_kimjisoo Morning☀️
♬ Nocturne (Chopin) calm piano solo - もつ
Ang morning routine trend na ito ay base sa sa viral video ng fitness influencer na si Ashton Hall.
Sa orihinal na video, ipinakita niya ang kanyang kakaibang morning routine kung saan makikitang dina-dunk niya ang kanyang mukha sa mamahaling mineral water na may yelo, nagpapahid ng balat ng saging sa kanyang mukha, at iba pang kakatwang bagay.
Maraming netizens ang gumawa ng sarili nilang versions ng morning routine kaya agad itong naging isang online trend.
Source: actor_jisoo (IG)
Samantala, busy si Ji Soo sa taping ng Never Say Die, isang upcoming primetime action-drama series na pagbibidahan nina Star of the New Gen Jillian ward at Pambasang Ginoo David Licauco.
Gaganap si Ji Soo sa serye bilang isang undercover South Korean agent.
Makakasama nila ang isang all-star na cast, kabilang sina Richard Yap, Analyn Barro, at Raheel Bhyria.
Bahagi rin ng programa sina Raymart Santiago, Angelu de Leon, Wendell Ramos, Ayen Munji-Laurel, Jonathan Villoso, at Ms. Gina Alajar.
KILALANIN ANG CAST NG UPCOMING SERIES NA NEVER SAY DIE DITO: