
Inanunsyo at ipinakilala na ang buong cast ng upcoming original series na Love, Siargao.
Sa latest social media post ng Viu Philippines, ini-reveal kung sinu-sino ang mga aktor na makakasama nina Alden Richards at Nadine Lustre sa proyektong ito.
Sila ay sina Coleen Garcia, Kim Ji Soo, Kyline Alcantara, AZ Martinez, Vince Maristela, Gab Lagman, Kakki Teodoro, Adrian Lindayag, at Christopher Diwata.
Sa mga nakaraang panayam, ibinahagi ng Asia's Multimedia Star na si Alden na simula na ng kanilang taping ngayong buwan ng Abril.
Ang Love, Siargao ay first-ever project together nina Alden at Nadine.
Mapapanood ang seryeng ito simula sa darating na June 2026.
Related gallery: Kapuso and Kapamilya on-screen team-ups