
Ipinakilala na noong Biyernes, July 11, ang bagong karakter na mapapanood sa GMA Prime action series na Sanggang-Dikit FR.
Ito ang South Korean actor na si Kim Ji-soo, na gumaganap bilang Woo sa serye.
Sa nakaraang episode ng Sanggang-Dikit FR, binigyan ng importanteng project si Woo. Noong una, pinagdudahan ang kanyang kakayahan hanggang sa ipinakita niyang wala pa siyang mintis sa kanyang trabaho.
Mainitin ang ulo ni Woo at hindi nagpapakita ng moral kaya naman siya ang bagong makakaharap ng magkasanggang pulis na sina Tonyo at Bobby, na ginagampanan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Naging opisyal na Kapuso si Ji-soo noong August 2024 matapos pumirma ng kontrata sa talent management arm ng GMA na Sparkle.
Kasalukuyan napapanood si Kim Ji-soo bilang host ng GMA travel show na Be-Cool: The Express Adventure, kasama sina Sassa Gurl, Richard Juan, at Bey Pascua.
Naging parte si Ji-soo ng mga seryeng Black Rider at Abot-Kamay na Pangarap. Napanood din siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang house guest.
KILALANIN ANG KOREAN ACTOR NA SI KIM JI-SOO SA GALLERY NA ITO.