
Ang K-Drama heartthrob at Sparkle artist na si Kim Ji Soo ang mapapanood sa ikalawang bahagi ng 7th anniversary special ng Amazing Earth.
Ngayong August 8, haharap sa amazing challenge si Kim Ji Soo sa Amazing Earth. Mapapanood ang short-range target shooting competition nila ng Amazing Earth host na si Dingdong Dantes. Sa ikalawang misyon ng Korean actor ay makakasama naman niya ang dalawang partners sa pag-navigate ng tactical course para i-retrieve ang Amazing Earth flag.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Mula naman sa Davao del Sur mapapanood ang vlogger na si RJ Joaquin o Master Gala para ipakita ang abandoned cemetery sa coastal barangay ng Astorga sa Santa Cruz.
Sa pagpapatuloy ng docu-series na "Last Day of the Dinosaurs," ikukuwento ng Kapuso Primetime King ang catastrophic final hours ng non-avian dinosaurs.
Abangan ang ikalawang bahagi ng 7th anniversary special ng Amazing Earth ngayong Biyernes, August 8, 9:35 p.m. sa GMA.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa Kapuso Stream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: