
Inilarawan ni South Korean actor Kim Ji Soo ang sarili bilang "happy."
Sa kanyang TikTok account, ibinahagi niya na ang action-drama series na Never Say Die at mga co-stars niya dito ang ilang sa mga nagpapasaya sa kanya.
Makikita sa video ang slideshow ng ilang pictures ni Ji Soo kasama sina Star of the New Gen Jillian Ward, Pambansang Ginoo David Licauco, Raheel Bhyria, Winwyn Marquez, Kim de Leon, at Jonathan "Tanjo" Villoso.
"What makes you happy? This," mababasa sa video.
@actor_kimjisoo Never say die
♬ The Winner Is... Version - DeVotchKa
Patuloy na panoorin si Kim Ji Soo sa action-drama series Never Say Die, Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime.
May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.