GMA Logo Kim Ji Soo in PBB
Celebrity Life

Kim Ji Soo, na-miss ang 'PBB' housemates

By Karen Juliane Crucillo
Published May 15, 2025 7:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beyonce declared a billionaire by Forbes magazine
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Ji Soo in PBB


Sa Instagram, ibinahagi ng South Korean actor ang ilang larawan niya sa labas ng Bahay ni Kuya. "The memories came rushing in..."

Mukhang tinamaan ng matinding sepanx si Kim Ji Soo sa Pinoy Big Brother housemates matapos makasama ito sa loob ng Bahay ni Kuya bilang isang houseguest.

Sa Instagram, ibinahagi ng South Korean actor ang ilang larawan niya na nasa labas ng Bahay ni Kuya.

Ikinuwento niya sa caption na bumisita siya sa PBB house bago lumipad patungong Korea para sa isang project.

"The memories came rushing in--grabe, I missed the housemates!" sabi ni Ji Soo.

Nagpasalamat din ang aktor dahil naging parte siya ng PBB kahit bilang isang houseguest.

Dagdag nito, "Met amazing people and built real connections. Truly, one for the books!"

Sa comments section, nag-reply naman si ex-PBB housemate Michael Sager at tinawag si Ji Soo na "My sleeping buddy!!"

"Yay salamat bro," sagot naman ni Ji Soo.

Isang post na ibinahagi ni Kim Ji Soo (@actor_jisoo)

Pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya si Ji Soo bilang houseguest noong April 8.

Kasalukuyan namang naghahanda si Ji Soo sa kaniyang upcoming project kasama si Sassa Gurl, Bey Pascua, at Richard Juan.

Samantala, balikan dito ang iba pang naging PBB celebrity houseguests: