What's Hot

Kim Ji Soo, nagsimula na sa taping ng 'Never Say Die'

By Marah Ruiz
Published September 4, 2025 1:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BI lauds immigration officers posted at manned airports, seaports amid holidays
Cebu Archbishop: There is hope for the Philippines
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Ji Soo


Nagsimula na sa taping ng 'Never Say Die' si Kim Ji Soo.

Sumabak na sa taping ng upcoming action-drama series na Never Say Die si South Korean actor Kim Ji Soo.

Masaya daw si Ji Soo na muling makatrabaho sa bagong seryeng ito ang ilang mga co-stars niya mula sa hit GMA Afternoon Prime series na Abot-kamay na Pangarap tulad nina Jillian Ward, Richard Yap, at Raheel Bhyria.

Gayumpaman, itinuturing daw niya itong bagong experience at looking forward siyang makilala pa ang iba niyang makakatrabaho dito.

"It is very exciting because this is a new project [and a] new character. Meeting new people is always very fresh to me," pahayag ni Ji Soo.

Source: actor_jisoo (IG)

Handa na rin si Jillian na ipakita ang bagong side niya bilang aktres, lalo na at mas marami na siyang experience.

"It is my first year as an adult--twenty [years old] na 'ko, hindi na teenager. Nae-excite po ako kasi feeling ko medyo mas may lalim po siya, mas may angas, mas unapologetic 'yung character ko dito," bahagi ng aktres.

Umaasa din siyang maraming tututok sa kanilang serye.

"May halo siyang drama, may halo siyang comedy. Lahat pwedeng manood po nito. Nako-cover niya lahat ng genres halos," aniya.

Ang Never Say Die ay isang upcoming primetime action-drama series na pagbibidahan nina Jillian at David.

Makakasama nila ang ang malaki at all-star na cast, kabilang sina Richard Yap, Kim Ji Soo, Michelle Dee, Analyn Barro, at Raheel Bhyria.

Bahagi rin ng cast sina Raymart Santiago, Angelu de Leon, Wendell Ramos, Ayen Munji-Laurel, Jonathan Villoso, at Ms. Gina Alajar.

KILALANIN ANG CAST NG UPCOMING SERIES NA NEVER SAY DIE DITO:



Samantala, panoorin ang buong panayam ni Aubrey Carampel kina Jillian Ward at Kim Jisoo para sa 24 Oras sa video sa itaas.