
Dalawang buwan na ring naninirahan sa Pilipinas ang Korean actor na si Kim Ji-soo, simula nang mapasama siya sa cast ng hit action series na Black Rider.
Sa dalawang buwan na pananatili sa bansa, nagkaroon na ng paboritong pagkaing Pinoy si Kim Ji-soo, at ito ay ang sisig na may garlic rice.
Ayon pa kay Kim Ji-soo, gusto niyang masubukan ang iba pang mga lutong bahay ng mga Pilipino.
"My favorite is always sisig. Sisig with garlic rice is a good combination. And, I wanna try lutong bahay, home-made food," sabi ni Kim Ji-soo.
Bukod sa pagkain, nagustuhan din ni Kim Ji-soo ang mainit na klima ng Pilipinas.
"I've been here for a couple of months since I started 'Black Rider,'" sabi niya sa interview ng GMANetwork.com. "I really love the Philippine weather, the hot weather."
Noong Miyerkules, August 28, opisyal nang pumirma ng management contract si Kim Ji-soo sa Sparkle GMA Artist Center.
Kasalukuyang napapanood si Kim Ji-soo bilang Dr. Kim Young sa hit afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap.
MAS KILALANIN SI KIM JI-SOO SA GALLERY NA ITO: