
Nakatanggap ng papuri ang Abot-Kamay Na Pangarap star na si Jillian Ward mula kay Kim Ji Soo.
Nitong August 20, napanood sa Chika Minute report sa 24 Oras ang interview ni Kim Ji Soo, kung saan inilarawan niya si Jillian na napapanood sa serye bilang si Dra. Analyn.
Pahayag ng Korean actor tungkol sa Sparkle artist, “She's a good actress. As I say she's a good person, like bright… I mean she's very energetic. She's a good actress.”
Kasunod nito, inilahad din ng aktor na grateful siya na parte siya ngayon ng award-winning medical drama series.
Sabi niya, “I asked my makeup artist… Do you know this drama? She says, wow this is my favorite. I was like. oh, I will be part of them…”
Bukod dito, masayang nagkuwento si Kim Ji Soo tungkol sa karakter niya sa serye na si Dr. Kim Young.
Ayon sa Korean star, ito ang kauna-unahan niyang pagganap bilang doktor sa isang palabas.
“This is my first time acting as a doctor. It is really exciting,” pahayag niya.
Courtesy: GMA Integrated News
Samantala, kaabang-abang ang susunod pang mga eksena nina Dra. Analyn at Dr. Kim Young.
Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.
Maaari n'yo ring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.