
Muling magkakatrabaho sina Star of the New Gen Jillian Ward at South Korean actor Kim Ji Soo sa upcoming action-drama series na Never Say Die.
Minsan na silang nagsama sa GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay na Pangarap.
Puno ng papuri si Ji Soo kay Jillian na sasabak ngayon sa kanyang first action series.
"She [has] good eyes as an actor. When she does the action, it's cool," paglalarawan niya sa aktres.
Masaya din Ji Soo sa nabuo niyang friendship kay Jillian at pati na sa kanilang Never Say Die co-stars na sina David Licauco at Raheel Bhyria.
"We are very close now, everyone--David, Raheel, Jillian. All together, we're very close so we are very playful on the set," kuwento niya.
Gaganap si Ji Soo sa serye bilang Jin Ho Lee, isang interpol agent. Sa pagtugis niya sa isang international fugitive, magkikilala niya ang karakter ni Jillian na si Joey Delgado.
Anak ng pulis si Joey at ang tanging nais niya ay linisin ang pangalan ng tatay niya.
Matutuklasan niya ang isang malaking conspiracy sa tulong nina Jin Ho at ng investigative journalist na si Andrew Dizon, karakter ni David Licauco.
"Si Joey parang lagi siyang minamaliit nina Andrew kasi babae siya at bata siya, pero pinapakita niya na kaya niyang luamban. She will fight for the truth and justice must prevail," aniya.
Para kay Jillian, magandang representation ng Gen Z ang kanyang karakter.
"'Yung mga Gen Z din kahit gaano kabata, gusto nila na nagri-research sila, nabubuksan 'yung mga mata nila sa mga nangyayaring problema sa country natin or sa mga bagay-bagay. Napansin ko po 'yan sa mga Gen Z talaga, gusto nila very educated sila and I think ganoon si Joey," lahad niya.
Bukod kina Jillian, David, at Ji Soo, bahagi rin ng serye sina Raheel Bhyria, Richard Yap, Raymart Santiago, Angelu de Leon, Ayen Laurel, Winwyn Marquez, at Analyn Barro.
SILIPIN ANG MOTORCADE AT MEDIA CONFERENCE NG 'NEVER SAY DIE' DITO:
Abangan ang upcoming action-drama series Never Say Die, simula February 2, 8:55 p.m. sa GMA Prime.
May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din online sa Kapuso Stream.
Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.