
Sa South Korea sinalubong ng aktor na si Kim Ji-soo ang taong 2026.
Umuwi siya para makasama ang kanyang pamilya sa pagse-celebrate ng New Year.
Image Source: actor_jisoo (Instagram)
Sa kanyang Instagram account, nagbahagi siya ng ilang pictures mula sa kanyang homecoming.
Kabilang dito ang pamamasyal Seoul, pagbisita sa isang cafe, at bonding kasama ang kanyang pamilya at pati na ang mga alaga nilang aso.
Ayon kay Ji-soo, lubos siyang nagpapasalamat sa mga blessings na natanggap niya noong 2025.
"End of the year already
"Grateful for this year 2025
"Merry Christmas and God bless you all🙏🏻🎄," sulat niya sa Instagram.
Pagbalik ni Ji-soo sa Pilipinas, muli siyang magiging busy sa taping ng Never Say Die, isang upcoming primetime action-drama series na pagbibidahan nina Star of the New Gen Jillian ward at Pambasang Ginoo David Licauco.
Gaganap si Ji-soo sa serye bilang isang undercover South Korean agent.
Makakasama nila ang malaki at all-star na cast, kabilang sina Richard Yap, Analyn Barro, at Raheel Bhyria.
Bahagi rin ng cast sina Raymart Santiago, Angelu de Leon, Wendell Ramos, Ayen Munji-Laurel, Jonathan Villoso, at Ms. Gina Alajar.
SAMANTALA, SILIPIN KUNG PAANO NAG-CELEBRATE NG PASKO AT BAGONG TAON ANG ILANG CELEBRITIES DITO: