
Pangarap ni That's My Bae Kim Last ang makapag-compete sa isang mix martial arts tournament, kaya naman nagte-training ito sa isang gym. Kabilang sa kanyang routine ay ang magbuhat ng weights, boxing, at ang Brazilian Jiu-jitsu.
Kuwento niya, "Ang gusto ko sa boxing ay sobrang technical siya, hindi siya madali na, hindi basta basta suntok lang." Dagdag pa ni Kim, "Tapos magandang cardio rin, super magandang cardio rin. Nakakapagod. Doon ako pinagpapawisan talaga sa lahat ng classes, sa boxing talaga."
Ang Brazilian Jiu-jitsu rin daw ay very technical. Ika niya, "Hindi ito palakasan, kahit mahina ka or payat ka, kayang kaya mo ito."
Bukod sa pangarap niya na makasali sa isang Mix Martial Arts tournament, goal rin ni Kim na magpalaki ng katawan.
Panoorin ang highlight clip sa Tunay Na Buhay: