GMA Logo Kim Molina, Jerald Napoles
What's on TV

Kim Molina at Jerald Napoles, maglalaro sa 'The Wall Philippines' ngayong Linggo

By Jimboy Napoles
Published November 25, 2022 8:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Molina, Jerald Napoles


Maghahatid ng good vibes sina Kim Molina at Jerald Napoles sa 'The Wall Philippines' ngayong Linggo!

Sasalang sa matitinding hamon ng The Wall Philippines ang celebrity couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles ngayong Linggo, November 27.

Sa inilabas na teaser ng upcoming episode ng nasabing weekend game show, game na game na humarap sa The Wall ang kuwelang couple kasama ang TV host na si Billy Crawford.

Sa naturang teaser, makikita na si Kim ang napiling sumalang sa isolation room pagkatapos ng first round. Habang nasa nasabing room ay sasagot siya ng iba't ibang mind blowing questions.

Ang bawat tamang sagot ni Kim ay may katumbas na green ball, habang ang maling sagot naman ay may katumbas na red ball na may kakayahang magbawas ng pera sa kanilang money bank.

Ang kanyang boyfriend at partner na si Jerald naman ang naiwan sa stage kasama si Billy upang magkasa ng bola patungo sa wall.

Mapapanood sa teaser na magkakaroon ng maling sagot si Kim na katumbas ng isang red ball. Bagama't malaki ang nabawas sa kanilang pera, makikitang nagawa pang magbiro ni Jerald upang mawala ang tensyon sa game.

Makabawi kaya ang dalawa sa mga hamon ng higanteng pader? Matupad kaya nila ang kanilang couple goal na maging milyonaryo?

Abangan ang isa na namang intense na episode ng The Wall Philippines, kasama sina Kim at Jerald ngayong Linggo, November 27, 3:35 ng hapon sa GMA. Mapapanood din ito via live streaming sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.

SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NINA KIM MOLINA AT JERALD NAPOLES SA GALLERY NA ITO: