
Talk of the town pa rin ang sunset wedding ng showbiz couple na sina Jerald Napoles at Kim Molina noong March 1 sa Bohol na dinaluhan ng ilan sa pinakamalaking pangalan sa show business.
Pero ang higit sa nagpa-viral sa wedding event ay ang comedy skit na ginawa ng mag-asawa nang mag-grand entrance sila sa wedding reception.
Tawang-tawa ang guests ng ilang ulit na maling 'mister' ang kasama ni Kim sa pagpasok sa venue. At isang paandar sa kasal ay sweet na sweet ang beautiful bride at hawak ang kamay ni Gerald Anderson.
Mukhang litong-lito pa rin ang sikat na theater actress nang humirit ito ng birthday message kay Gerald.
Post niya sa Facebook, “HAPPY BIRTHDAY, HUSBAND! ay sorry nalito nanaman ako"
Komento naman ng mister niyang si Jerald, “Ilang araw ka nang lito ah... parang di normal.”
Samantala, may special message din si Jerald sa Kapamilya actor sa kanyang kaarawan. Aniya, nakakataba ng puso ng pumunta ito sa kanyang kasal kahit may prior commitment ito sa susunod na araw.
“This guy.. asked him to be one of my groomsmen.. yes agad. Nag uumpisa pa lang kame maging close hindi na siya nag isip, kahit malayo ang wedding. The mere fact that overnight lang siya because direcho taping meant a lot to us.. siya mismo nag asikaso ng fitting schedule, siya mismo kausap ng hotel reservation, and siya pa naka isip ng blocking at acting nila ni Kim sa skit. Anyway.. HAPPY BIRTHDAY Gerald !! Thank you for the effort and the love bro.. excited na ko sa next nating gagawin .. alam na this !! P.S daming may crush sayo sa wedding”
Bukod kay Gerald, parte rin ng viral skit sa Kim-Jerald wedding sina Asia's Multimedia Star Alden Richards at TiktoClock host Kuya Kim Atienza. May mahigit 31 million views na ang naturang funny moment at 1.5 million engagements naman sa Facebook.
RELATED CONTENT: Kim Molina and Jerald Napoles's dreamy sunset beach wedding in Bohol