
Halata mang nairita matapos makatanggap ng mga negatibong komento tungkol sa kanyang katawan, mas pinili pa rin ni Rak of Aegis star Kim Molina na magbigay ng good vibes online.
Sa Instagram post at tweet ng aktres, nagbigay siya ng pahayag tungkol sa mga taong may isyu sa kanyang dibdib. Ginamitan pa niya ito ng #BodyPositivity.
“#NewNormal (P. S. Dahil ang daming hanash: Problema niyo sa boobs kong hiwalay? Eh social distancing nga di ba. In all shape or form, WE ARE JOWABLE Sending good vibes to all ) #BodyPositivity.”
Daming hanash sa photo kong unedited.. Problema niyo sa boobs kong hiwalay? Eh social distancing nga diba 😜✌️ In all shape or form, WE ARE JOWABLE 💯 Sending good vibes to all 💖 #BodyPositivity
-- Kim Molina ✨ (@kimsmolina) June 20, 2020
Napa-react naman ang ilang celebrities tulad nina Lovely Abella at Sugar Mercado sa post na ito ni Kim.
#SelfLove: Filipinas promoting body positivity and loving what makes them unique
10 kilig photos of Jerald Napoles and Kim Molina