
Si Kim Perez ang bagong Kiligspector na naghanap ng makaka-date sa “Love Under Cover” ng TiktoClock.
Ang Sparkle heartthrob na si Kim ang sumabak sa kilig segment ng TiktoClock nitong March 4. Payo ni Kim sa mga sumabak na Covered Girls sa “Love Under Cover,” "Enjoy lang at maging totoo lang sila kasi number one 'yun sa akin."
Pagkatapos ng pagpapakita ng kanilang moves, pagsagot ng mga tanong, at pakiramdaman with Kim, pumili ang aktor ng kaniyang makakasama sa isang date. Ito ay ang Covered Girl number four na si Kyle.
Saad ni Kim, "Kaya siya nag-stand out sa akin kasi ang gaganda ng mga sagot niya. During the selection kasi naramdaman ko 'yung sincerity niya, na totoo siya. Sa tingin ko magkaka-jive kami."
Balikan ang nakakakilig na “Love Under Cover” kasama si Kim Perez dito:
SAMANTALA BALIKAN ANG GUWAPO SHOTS NI KIM DITO:
Patuloy na subaybayan ang TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 am sa GMA Network.