
Masaya si Sparkle actor Kim Perez na makadalo sa kauna-unahang Halloween party ng Sparkle GMA Artist Center, ang "The Sparkle Spell," na ginanap noong October 23 sa Xylo sa BGC, Taguig City.
Ayon kay Kim, pinaghandaan niyang mabuti ang nasabing event. Excited na ipinakita ng aktor sa red carpet ang costume kung saan nag-ala-Marvel hero siyang si Loki.
"Sobrang saya siyempre first time kong nag-join sa isang Halloween party at sa Sparkle pa," sabi ni Kim sa GMANetwork.com.
Dagdag niya, "Loki is one of my [favorite] Marvel characters. Gustong-gusto ko s'ya, napaka-remarkable at unpredictable 'yung personality nya. Kaya s'ya 'yung napili ko sa Sparkle Spell, na maging remarkable din sa gabing 'yun."
Nakasama rin ni Kim sa "The Sparkle Spell" ang Hearts on Ice co-stars na sina Ashley Ortega, Xian Lim, Roxie Smith, at Skye Chua.
Abangan si Kim sa upcoming figure skating series na Hearts on Ice, soon sa GMA.
BALIKAN ANG ILANG EKSENANG NAGANAP SA 'THE SPARKLE SPELL' DITO: