GMA Logo Kim Rodriguez
What's on TV

Kim Rodriguez, excited nang ipakilala ang kanyang role sa 'The Lost Recipe'

By Maine Aquino
Published January 5, 2021 2:45 PM PHT
Updated January 5, 2021 5:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Rodriguez


Abangan ang pagganap ni Kim Rodriguez sa role na Dulce sa fantasy romance series na 'The Lost Recipe.'

Ibinahagi ni Kim Rodriguez ang kanyang excitement dahil kabilang siya sa bagong fantasy-romance series ng GMA Public Affairs na The Lost Recipe.

Kim Rodriguez

Photo source: The Lost Recipe

Sa kanyang mensaheng ipinadala sa GMANetwork.com, ibinahagi ni Kim na excited na siyang ipakilala ang kanyang karakter na si Dulce. Dapat abangan ang role ni Dulce dahil mayroon siyang importanteng gagampanan sa istorya.

Saad ng aktres, "Ako dito si Dulce. Ako ang may hawak ng mahiwagang libro kung saan nakasaad ang magic sa pagluluto nina Conchita at Consuelo. Siyempre, marami pa silang aabangan dahil paiba-iba [ang] character ko dito."

Isang post na ibinahagi ni Kim Rodriguez (@akosikimrodriguez)


Kuwento ni Kim, ang The Lost Recipe ay ang kanyang first regular show na fantasy. Ramdam umano ng aktres ang kaibahan nito sa mga roles na ginampanan niya noon sa GMA dahil karamihan sa mga ito ay kontrabida.

Saad pa ng aktres, mas detalyado ang mga eksena sa proyekto na fantasy ang tema dahil kailangang ulit-ulitin ang takes at dadagdagan pa ito ng effects.

"First time ko magkaroon ng regular show na fantasy kasi usually ako ang nang-aaway at kabit sa past roles ko. Masaya kami sa shoot. Matrabaho lang para sa aming direktor dahil may magic and kailangan mag-green screen. So kailangan kung ano ka noong unang take dapat consistent 'yung emotion mo kasi uulit-ulitin para sa effects."

Ang kuwento ng The Lost Recipe ay iikot sa love, time travel, at culinary world. Ang time travel ay isa sa mga importanteng aspekto ng istorya ng series na ito.

Para kay Kim, sakaling mabigyan siya ng chance na mag-time travel, babalikan niya umano ang panahon na buhay pa ang isa sa pinakaimportanteng tao sa kaniyang buhay.

"Kung makakapag-time travel ako, gusto ko balikan 'yung buhay pa 'yung lola ko. Gusto ko siya alagaan na 'di ko nagawa noon dahil bata pa ako. Ngayon kung kailan kaya ko na siya i-treat at ipasyal sa mga pangarap naming puntahan, may work na ako, hindi ko na magagawa kasi wala na siya."

Abangan si Kim Rodriguez bilang Dulce at ang iba pang mga artista na mapapanood sa The Lost Recipe, soon on GMA News TV.

Ang The Lost Recipe ay pagbibidahan ng tambalan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda o MiKel.

Kilalanin ang iba pang mga karakter na bubuo sa The Lost Recipe sa gallery na ito: