Celebrity Life

Kim Rodriguez on men: "Pinapaikot-ikot ka lang niyan"

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 4, 2020 8:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SMC to waive toll fees for Christmas, New Year
P7M suspected shabu seized; 4 nabbed in NorthMin drug busts
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News



Tila malalim ang hugot ni Kim sa usaping pag-ibig. 


Maraming fans ang nakipagkulitan sa mga Hanggang Makita Kang Muli stars na sina Bea Binene, Derrick Monasterio, Kim Rodriguez at Jak Roberto nang sumabak sila sa Facebook Live chat noong May 31.

Ilan sa mga ito ay humingi sa grupo ng payo para sa mga heartbroken. 

Game na game namang sumagot si Kim. 

"Huwag na lang nila siguro masyadong isipin. Siguro, mag-focus sila sa isang bagay para makalimutan nila 'yun. Mag-isip sila ng bagong hobby nila o kaya sport, para hindi sila masyadong mag-isip. Mas mahirap 'yun eh. Napaka-unfair kung masyado mo siyang iisipin," payo ng aktres. 

READ: Jak Roberto, pangarap maging leading lady si Jennylyn Mercado

Simpleng atake naman ang pinili ni Jak. 

"Ang simple lang ng tanong eh. Ano daw ang gamot sa sakit. Acceptance. Move on!" sagot niya. 

Pinili naman ni Derrick na magbiro nang sinagot ang tanong.

"Hindi pa kasi ako nabo-broken hearted eh. Hindi ko masasagot 'yan," biro niya. 

READ: Derrick Monasterio, nilinaw na hindi siya nanliligaw kay Bea Binene 

Sangayon naman si Bea kay Jak.

"'Yun nga, sabi ni Jak, acceptance. Sabi nga nila, when a door closes, may ibang pinto or bintana na bubukas para sa iyo. Ibig sabihin noon, may nilaan si Lord na mas better for you because it won't happen dahil ayaw mo. 'Yung mga ganyan, it happens for a reason," aniya. 

Idinagdag naman ni Kim ang paghahambing niya sa pag-ibig at sa isang ferris wheel. 

"Alam niyo kasi, kayong mga lalaki sa una kasi masaya, nage-enjoy. Para lang 'yang ferris wheel. Sa una 'di ba masaya nage-enjoy kayo. Pero hindi mo alam, pinapaikot-ikot ka lang niyan," hugot niya.

Huwag palampasin sina Bea, Derrick, Kim at Jak sa lalong umiinit na mga tagpo ng Hanggang Makita Kang Muli, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Magkaibang Mundo.

MORE ON HANGGANG MAKITA KANG MULI:

Hanggang Makita Kang Muli: Ang muling pagkikita

Hanggang Makita Kang Muli: "Don't you dare touch me" - Angela