GMA Logo kim rodriguez
Celebrity Life

Kim Rodriguez, proud na ibinahagi ang bago niyang outdoor sport

By EJ Chua
Published August 13, 2021 1:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

kim rodriguez


Proud na ibinahagi ni Kim Rodriguez ang kanyang panibagong sport achievement.

Bukod sa pagja-jogging, pagwo-workout, pagsu-swimming, at paglalaro ng badminton, tila nahumaling na rin si Kim Rodriguez sa pagbi-bisikleta.

Sa kanyang Instagram post kahapon, proud na ibinahagi ng Kapuso actress ang kanyang panibagong sport.

“The first time is always the best feeling. Proud of myself for cycling 33 kilometers away from home for almost 3 hours.”

Courtesy akosikimrodroguez IG

Nagtungo si Kim sa Montalban, Rizal, kung saan makikita ang Wawa Dam.

Kita naman sa post ng aktres na isa itong panibagong 'achievement unlocked'.

A post shared by Kim Rodriguez (@akosikimrodriguez)

Noong May, nag-post si Kim ng ilang larawan niya habang nagsu-swimming sa falls at tinatahak ang Treasure Mountain sa Tanay Rizal.

A post shared by Kim Rodriguez (@akosikimrodriguez)

A post shared by Kim Rodriguez (@akosikimrodriguez)

Sa dami ng sport na kinahuhumalingan ni Kim, kapansin-pansin na consistently fit ang aktres at hindi niya napababayaan ang kanyang figure.

Kaya naman ilang Instagram post pa ni Kim ang talaga namang sinusundan ng kanyang fans at followers.

Ang iba dito ay ang swimsuit photos ni Kim at ilan pang post na makikitang fierce at sexy ang aktres.

A post shared by Kim Rodriguez (@akosikimrodriguez)

Noong 2020, sa isang casual interview, ibinahagi ng aktres ang ilan sa kanyang productive activities sa gitna ng pandemya.

Una na rito ay ang pagluluto ng mga bagong dishes.

Sumunod naman ay ang pagbalik niya sa pagdi-DJ.

Kwento niya,“Sobrang tagal ko ng hindi nagdi-DJ like years na yata. So, ngayon bumalik na ko sa pagmi-mix ko.”

Mas natuto rin daw si Kim na gawin ang iba pang household chores.

“Tinutulungan ko na 'yung kasambahay namin. Like, 'yung room ko, ako na naglilinis,”sabi ni Kim.

Mas nagkaroon din ang aktres ng oras para sa pakikipag-bonding sa kanyang pets.

At ang pinakahuli niyang ibinahagi ay ang pagpa-practice sa pag-arte.

“Minsan natatawa ko sa sarili ko pero minsan uma-acting ako sa harapan ng salamin. Like, binabasa ko yung cold script naming. Nagmo-monologue ako , umiiyak ako. Kasi sa sobrang tagal na walang taping nami-miss ko na umarte.”

Narito ang ilan pang bikini bod photos ni Kim Rodriguez: