
Isa si Kapuso actress Kim Rodriguez sa mga sumubok sa patok na tourist activity ngayon sa Rizal, ang paragliding.
Ayon kay Kim, isa sa bucket list niya ang paragliding. Kaya kahit na may takot, buong tapang na sinubukan ni Kim ang nasabing aktibidad.
"Bucket list unlocked," pagbabahagi ni Kim. "Epic paragliding... I was more nervous than I should have been."
Pag-akyat pa lamang ng bundok ay challenging na para kay Kim at sa mga kaibigan nito dahil sa taas.
Bago pa man tuluyang makalipad, nakailang sigaw na si Kim dahil sa takot. Pero agad din itong napalitan ng saya nang makita na ng aktres ang kagandahan ng Rizal.
Panoorin ang paragliding experience ni Kim Rodriguez sa video na ito.
Samantala, tingnan ang bagong kinahihiligang outdoor sport ni Kim Rodriguez sa gallery na ito: