
"Akala ko tapos na ang singing journey ko, pero binuhay ulit ni God ang part ng sarili ko na akala ko tahimik na."
Ito ang kuwento ni Kimberly Baluzo sa kaniyang pagsabak sa Tanghalan ng Kampeon 2025 ng TiktoClock.
Si Kimberly ay isa sa mga grand finalists na aabangan sa "Tanghalan ng Kampeon 2025: Ang Huling Banggaan" ngayong December 4.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Ayon kay Kimberly, sa journey niyang ito, na-remind siya na magtiwala sa God's perfect timing.
Ani Kimberly, "Through all of these, na-remind ako na God's timing is always perfect; never early, never late, laging sakto. Parang bumulong si Lord na anak hindi pa tapos ang story mo."
Saad pa niya, "This journey changed me, it humbled me, and it strengthened me. Hindi naging madali. Sobrang tight ng budget, kailangan kong bumyahe from Bicol to Manila, tapos uwi agad after the show. Pagod na pagod ako physically and emotionally."
Sa kaniyang "Tanghalan ng Kampeon 2025" journey ay nakilala siya ng mga taong nagbigay inspirasyon sa buhay.
"Along the way God brought new people into my life. Mga kaibigan na hindi ko in-expect na makikilala ko pero naging parte na ng puso at journey ko."
Saad pa ni Kimberly, ang motivation niya sa darating na "Tanghalan ng Kampeon 2025: Ang Huling Banggaan".
"My motivation, alam kong God's plans will always be better than mine. Yung paniniwalang hindi ako dinala ni Lord dito para iwan sa gitna. It's the desire to honor the talents he gave me, to keep growing, and to keep showing up even when it's hard."
Panoorin ang kuwento ni Kimberly dito:
Abangan ang "Tanghalan ng Kampeon 2025: Ang Huling Bangaan" ngayong December 4, 11:00 a.m. sa TiktoClock.
SAMANTALA, NARITO ANG MGA GRAND FINALISTS NG TANGHALAN NG KAMPEON 2025