GMA Logo Poor Rich Girl
What's on TV

Kimson Tan at Mika Reins, balik-tambalan sa 'Regal Studio Presents: Poor Rich Girl'

By Marah Ruiz
Published February 2, 2023 7:28 PM PHT
Updated February 3, 2023 10:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BI reminds foreigners to show up for 2026 Annual Report
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Poor Rich Girl


Balik-tambalan sina 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters' stars Kimson Tan at Mika Reins sa 'Regal Studio Presents: Poor Rich Girl.'

Sina Kimson Tan at Mika Reins ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Ito ang muli nilang pagtatambal matapos magpakita ng magandang chemistry sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Sa bagong episode ng Regal Studio Presents na pinamagatang "Poor Rich Girl" bibigyang-buhay nila ang cute na kuwento ng isang matulunging delivery rider at isang spoiled rich girl.


Si Kimson ay si Ibyong na nagtatrabaho bilang delivery rider para makaipon ng pera para makauwi sa probinsiya.

Si Mika naman ay si Anais, isang mayamang Filipino-Chinese na madalas na hinahatiran ni Ibyong ng mga online orders niya.

Isang araw, hindi mababayaran ni Anais ang delivery niya dahil magkakaroon ng financial problem ang kanyang pamilya.

Hihikayatin naman ni Ibyong na magtrabaho si Anais bilang delivery rider tulad niya at mangangako pang tutulungan ang dalaga.

Kakayanin ba ni Anais ang bago niyang trabaho? Paano siya tutulungan ni Ibyong?

Abangan ang kuwentong 'yan sa "Poor Rich Girl," February 5, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: